Sunday, August 21, 2005

Ang mga lalake talaga, oo.


Ang mga Lalake Talaga, oo
(tugon kay redrope)
by xristel

Ano ba itong si redrope?

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalke, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masayado yatang nagisa ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa nagalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang lagging lui, kami ang lagging mawawalan at iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang mila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang malang Makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gusting ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang muha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lao. Kapag hindi ka naman nagpakipot “easy to get” naman ang tingin sa iyo. Hindi ka naseseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman naming kawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na. Diyan da na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya’y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.

Ano pa ba? E di sinagot no na diba. Utang naloob pa matin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, saayos at lagging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, sasasakal naman. Sasabihin pa sa iyo “demanding” ka. Meron ka pang naririnig na “I think we need space” at kung ano-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyah, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung ano-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalke kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapagnagloko na kayo ano pa bang magagawa naming? Eh Di iiyak nalang. Wala naming ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag nihyong pagdedemand naming. Hindi kani nagdedemand!Karapatan lang naming iyon. Karapatan naming na lambingin niyo kami, icheck at ipakata sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follws iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak naming pinupuntiraya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumaha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan da pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming makikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtriitrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing “break na tayo” lambingin lang iyahn ng konti  balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag=tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa hg kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up. Magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag guma da ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na nagging girlfriend ka niya. Salas a init sala sa lamig talaga.

Ano ba naming buhay to? Ang hirap ding maging abae ano. Kala nila lagging sila nalang. Lagi rin kaming maiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.

[Transferred from my myspace blog]